-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpatupad ngayon ang COVID-19 Taskforce sa Barangay Tulalian at Balagunan sa Sto. Tomas Davao del Norte ng “granular lockdown” sa kanilang komunidad bilang pre-emptive response dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lugar.

Sinasabing ang Barangay Tulalian ay may 55 na mga active COVID-19 cases, habang ang Barangay Balagunan ay may 33 na mga active cases ito ay base sa report mula sa Municipal Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Nabatid na ang Barangay Tulalian at Balagunan ay may pinakamaraming bilang mga active coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases dahilan na isinailalim ito “granular lockdown’.

Layunin ng nasabing hakbang na mapadali ang rapid mass testing, surveillance, risk assessment, contact tracing, disinfection at mapigilan ang pagkalat ng virus.

Kung maalala, nakapagtala kagahapon ang lalawigan ng 186 active cases at 91 COVID-19 patient ang namatay.

Nagpalabas agad ng kautusan si Mayor Ernesto Evangelista sa Santo Tomas LGU COVID-19 Task Force kung saan kailangan na i-assist ang mga apektadong lugar para agad mapatupad ang tamang hakbang sa paghawak ng Covid-19 situation sa nasabing mga barangay.