DAVAO CITY – Dalawang mga barangays sa Jose Abad Santos (JAS) sa Davao Occidental ang isinailalim sa lockdown ay para mapigilan ang pagtaas pa ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Sa inilabas na Executive Order No. 21-020, inutos ni acting Mayor James John Joyce na kailangan isailalim sa lockdown ang Barangay Caburan Big at Caburan Small.
Magsisimula ang lockdown sa October 9 nitong taon.
Sa kasalukuyan, nakaranas umano ang munisipalidad ng pagtaas ng COVID-19 na nasa 78 active infections mula sa kabuuang 392 confirmed cases.
Para malimitahan ang galaw ng mga residente, ang mga opisyal sa apektadong barangay ang nag-isyu ng food and medicine passes bawat pamilya.
Lahat ng mga residente sa nasabing barangay ang mandato na manatili sa kanilang bahay ay pinagbawala na lumabas ang lahat ng mga residente sa maliban lamang sa medical emergencies at mga authorized persons outside of residence (APOR).