-- Advertisements --

Kinumpirma ng South Korean government ang tuluyang pagpapalaya nito sa dalawang barko na kamakailan lamang ay kanilang hinuli dahil sa di-umano’y iligal nitong pagdadala ng langis sa North Korea.

Hinuli ng mga otoridad ang apat na barko matapos mapag-alaman na nilabag ng mga ito ang ipinataw na sanction ng United Nation hinggil sa ship-to-ship transfer ng langis at iba ang produktong mineral sa mga North Korean ships.

Ayon sa isang opisyal ng Seoul foreign ministry, wala umano silang nakitang paglabag sa nasabing U.N sanctions.

Inaprubahan ang pagpapalaya sa Hong Kong- flagged Lighthouse Winmore at South Korean P-Pioneer kung saan ibinase ito ng mga otoridad mula sa kanilang nakalap na resulta.

Nangako naman ang mga shipping companies na hihigpitan ang pagbabantay sa mga tracking devices na nakakabit sa mga barko.