Nagdulot ng malakingsunog ang banggaan ng oil tanker at cargo ship sa northeastern karagatan ng England.
Nagpadala ng helicopters at lifeboats na galing sa malapit ng bayan para respondihan ang lugar.
Aabot naman sa 32 katao ang nailigtas mula sa nasunog na cargo vessels.
Lahat aniya ng mga crew ng US-flagged Stena Immaculate tanker ay ligtas ng ito ay makabangga ang Portuguese-flagged container na Solong.
Ang Stena Immaculate ay isa sa 10 mga barko ng US military na ginagamit para magdala ng mga gasolina tuwing mayroong kaguluhan at emergencies.
Galing sa Agioi port ng Greece ang Stena Immaculate habang ang Solong ay mula sa Grangemouth port ng Scotland at patungo sa Rotterdam sa the Netherlands.
May habang 600 talampakan ang Stena Immaculate habang ang Solong ay mayroong 461 talampakan ang haba na ginawa noong 2005.
Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng insidente ganun din kung mayroong tumagas na langis mula sa mga barko.