-- Advertisements --

Masusing nagsagawa ng shadowing ang barko ng Philippine Coast Guard na BRP Cabra hanggang sa tuluyan ng lisanin ng 2 barko ng China Coast Guard 3301 at 3104 na namataan sa may baybayin ng Pangasinan ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa isang statement ngayong Martes, iniulat ni PCG spokesperson for the WPS Comm. Jay Tarriela na nitong alas-7 ng umaga, base sa Dark Vessel Detection data, na-track ang naturang mga barko ng China Coast Guard sa distansiyang 61 nautical miles at 81 nautical miles mula sa Guangdong Province, China.

Sa buong operasyon, inisyuhan ng radio challenge ang Chinese vessels na nagbibigay diin sa kawalan nila ng awtoridad na magpatroliya sa lugar gaya ng nakasaad sa Philippine Maritime Zones Act, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.

Samantala, nananatili naman aniyang hindi natitinag ang PCG sa commitment nito na i-uphold ang maritime rights ng bansa at protektahan ang pambansang interes sa West Philippine Sea na tumitiyak sa vigilant approach nang hindi napapalala ang tensiyon sa karagatan.