-- Advertisements --

Tuluyan ng na-decommission ng Philppine Navy ang dalawang warship nito na BRP Miguel Malvar at BRP Magat Salamat.

Isinagawa ang decommissioning sa Captain Salvo Pier, Naval Base Heracleo sa lungsod ng Cavite.

Sinabi ni Flag Officer-in-Command, Vice Admiral Adelus Bordado na ang pagreretiro ng mga lumang barkong pandigma ng bansa ay para magbigay daan sa mga darating na bagong barko ng bansa sa ilalim ng modernization program.

Itinuturing na pinakaluma na sa buong mundo ang nasabing dalawang barko na ginawa ng US Navy noong World War 2 taong 1940.

Naipasakamay ito sa Pilipinas noong April 1976 sa pamamagitan ng Vietnam.

Sa kabuuan ay nasa 77 taon na ring nananatili sa karagatan ang dalawang barko kung saan 44 taon at 10 buwan ay dito sa karagatan ng Pilipinas.

Nauna nito, mayroon ng apat na barko ang na-decommission ng Philippine Navy nitong nagdaang buwan.