-- Advertisements --

navy2

Nakarating na kahapon sa Siargao island ang dalawang barko ng Philippine Navy na may dalang tone-toneladang relief supplies para sa mga biktima ng bagyong Odette.


Ayon kay Phil. Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, kahapon ng hapon dumating ang BRP Iwak (LC289) sa Dapa, Siargao na May dalang 7,800 kilo ng bottled water mula sa Office of the Vice President; 142 5-gallon water containers at 4 na kahon ng bottled water mula sa Naval Task Group NCR; 50 sako ng bigas mula kay Jam Pinaroc, 130 bottled water mula sa Maynilad ay iba pang relief goods.

Unang dumating sa Siargao kahapon ng umaga ang BRP Ivatan (LC298) mula sa Zamboanga na May dalang 7,000 kahon ng assorted food packs mula sa DSWD IX.

Ayon kay Negranza ang dalawang landing craft ay kabilang sa 19 na barko na dineploy ng Philippine Navy para tumulong sa Humanitarian and Disaster Relief Operations sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.