Patay ang dalawang miyembro ng Bastil Group matapos maka-enkwentro ang mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) sa Valencia City,Bukidnon.
Ayon kay PNP-AKG Director BGen. Jonnel Estomo, isisilbi lang sana ng mga tauhan ng AKG ang warrant of arrest laban sa sa suspek na si Erwin Torrejas at tatlong iba pa na nahahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa biktima na si Joel Emata nuong December 14, 2013.
Sinabi ni Estomo, nang isilbi na sana ang warrant of arrest, ang suspek at ang kaniyang backride na nakilalang si Emilito Torrejas, kapatid ng akusado natunugan ang preseniya ng mga pulis, nagpaputok sa mga arresting police officers, dahilan para mag retaliate ang mga otoridad.
Nakuha mula sa crime scene ang dalawang caliber .45 pistol, apat na live ammunitions at isang single motorcycle.
Ang Bastil Group ay nag-ooperate sa Valencia City, Bukidnon at sa iba pang karatig lugar, sangkot ang grupo sa gun running, gun for hire, robbery hold up, at iba pang mga extortion activities at sangkot din sa mga serye ng kidnapping sa nasabing lugar.
Ayon naman kay PNP-AKG Spokesperson Major Rannie Lumactod, nagawa pang isugod sa pagamutan ang mga suspek pero idiniklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dra. Dale Borres ng Polymedic Hospital.