DAVAO CITY – Magpapatuloy ngayong araw ang paghahanap sa dalawang bata na sinasabing inanud ng baha kahapon sa Sudlon, Brgy. Central Mati Davao Oriental.
Sa isinagawang imbestigasyon ng otoridad, nasa ilog ang mga biktima na sina Daniel Reboldad, 9 anyos at isang Josepher, 8 anyos parehong residente ng Purok Millenium Riverside Sudlon sakop sa nasabing lugar.
Una nito, nagtulungan ang mga personahe ng Mati CDRRMO, BDRRMO, Mati PNP, PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard sa paghahanap sa mga biktima.
Ayon pa sa mga kamag-anak ng mga bata, galing sa simbahan ang mga dalawa ang nakita ang mga ito na naglalaro sa tabi ng ilog kahapon ng tanghali ng biglang bumuhos ang ulan na siyang dahil ng pagtaas ng tubig sa ilog.
Naabutan pa hanggang kagabi ang paghahanp sa mga bata ngunit hindi pa rin nakita ang mga ito dahila na ngayong araw na lamang ipagpapatuloy ng mga rescuers ang paghahanap.