-- Advertisements --

Patay na ng matagpuan ang 2 bata sa nangyaring sunog sa Ilang-ilang St. Sampaguita, Barangay 185 sa Caloocan City.

Naging mabilis na kumalat ang sunog dahil sa magkakadikit ang mga bahay na karamihan ay gawa sa mga light materials.

Kinilala ang mga biktima na sina Jovina Jurado, 7-anyos at 2-anyos na kapatid nitong si Briana.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na pasado ala-una ng umaga ng magsimula ang sunog at naapula ito ng mahigit dalawang oras.

Sa pagtaya ng mga otoridad na maaring hindi na nakalabas ang mga bata sa nasusunog nilang bahay.

Umabot sa 15 kabahayan ang natupok sa nangyaring insidente.