-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Dead on the spot ang dalawang menor de edad matapos na pagtatagain ng kanilang stepfather samantala kritikal naman ang kanilang ina at siyam na buwang buwang gulang na sanggol sa Brgy. Barayong, Palo, Leyte.

Kinilala ang suspek na si Latorre Lorenzo Ocasla, 33-anyos.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Joselito Villas, Chief of Police ng Palo MPS, nakaaway ni Oscala ang live-in partner nito dahil sa problemang pinansyal.

Ito anila ang dahilan kung bakit tinaga ni Oscala ang kanyang live-in parnter.

Agad na nakatakas naman ang suspek, na sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng mga otoridad.

Nanatili rin sa ospital ang mag-inang nasa kritikal ang kondisyon sa ngayon.