-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan ng Florida ang dalawang menor de edad matapos na makipagbarilang mga ito sa kanila.

Ayon sa Volusia County Sheriff, pumasok ang 12-anyos na batang lalaki at 14-anyos na batang babae sa isang bahay at nakita nila ang mga baril.

Nabaril ng mga kapulisan ang 14-anyos na batang babae matapos na paputukan ang mga pulis gamit ang shotgun.

Agad namang ibinaba ng 12-anyos na batang lalaki ang hawak nitong AK-14 na assault rifle.

Nasa mabuting kalagayan na ang sugatang bata matapos na agad itong dinala sa pagamutan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad tumakas ang mga bata mula sa Florida United Methodist Children’s Home at pumasok sa mga kabahayan.

Agad namang tumawag ng kapulisan ang isang nakakita sa pagpasok ng bata at doon na rin nirespondehan nila ang mga ito.

Kinausap pa ng mga otoridad ang mga ito subalit hindi na nagawang tumugon pa ang mga ito.