Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa India ang pagkamatay ng dalawang bata matapos di-umano bugbugin ang mga ito hanggang sa mamatay.
Kinilala ang mga biktima na sina Roshni Valmiki, 12 at kapatid nito na si Avinash, 10.
Base sa imbestigasyon, inatake ang magkapatid dahil sa pagdumi ng mga ito sa kalsada ng Bhakhedi village sa lungsod ng Shivpuri, India.
Ayon kay local police deputy superintendent Viren Singh, itinakbo sa ospital ang magkapatid matapos silang makita na duguan dahil sa pamamalo gamit ng stick.
Sa kasawiampalad, idineklara ng doktor na dead on arrival ang dala.
Dagdag pa ni Singh, na mahigpit na ipinagbabawal sa naturang village ang pagdumi sa kalsada.
Inaresto ng mga pulis ang dalawang suspek na hinihinalang nasa likod ng krimen.
Nagpaabot naman ng tulong pinansyal ang mga otoridad sa pamilya ng mga biktima kung saan nagbigay sila ng 60,000 rupees ($845) upang magamit ng mga ito sa pagpapalibing sa kanilang kaanak.
Nasa ilalim din ng batas ng India na tatanggap ang pamilya ng mga biktima ng 400,000 rupees ($5,600) bilang compensation sa nasabing insidente.