-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Itinaas na sa Regional Disaster Reduction and Management Council sa red alert status ang Caraga dahil sa 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon kay Ronald Briol, tagapagsalita sa Office of the Civil Defense-Caraga na may close coordination na sa mga partner agencies kagaya sa DSWD, DOH, PCG, PNP kungsaan magrender sila ng duty service sa operation center upang mamonitor ang epekto ng lindol.

Sa ngayon ay nasa Surigao Del Sur paritcular sa Tandag, Bislig at Hinatuan ang mga personahe sa OCD-Caraga upang magsasagawa ng dagdag na assesment at malaman ang sitwasyon sa nasabing lugar.

Samantala, nasa kritikal ngayon na kondisyun ang isang bata habang ang isa naman ay nasang ligtan na kalagayan na matapos nadagan ng bumagsak na pader ang kanilang bahay.

Ayon kay Britchie Bandoy personahe ng City Disaster Risk Reduction and Management sa Tandag City na bumagsak ang 4th floor ng hindi na ginamit na building ng BIR kungsaan ang pader ay bumagsak sa kalapit na bahay.

Ikinatuwa naman ng opisyal dahil alam na ng mga tao kungsaan sila magsilikas kung may malalakas na lindol.

Habang sa Tubay, Agusan Del Norte, kinumpirma ni Jimmy Ceballos personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na isinira na sa mga malalaking sasakyan ang tulay dahil sa crack bunga ng nasabing lindol.