CENTRAL MINDANAO- Tinangay ng rumaragasang baha ang dalawang bata sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga biktima ay mga residente ng Brgy Bulatukan Makilala North Cotabato.
Ayon sa ulat ng Makilala PNP, tatawid lang sana ang dalawang bata nang abutan ng malakas ragasa ng tubig baha.
Agad na tinalon ng isang residente ang tubig baha para lang maligtas ang mga biktima na ngayon ay nasa ligtas ng kondisyon.
Pansamantalang isinara rin ang tulay sa Brgy Bulatukan dahil muntik ng umapaw sa tulay ang rumaragasang baha sa ilog.
Ang pagbahang nararanasang sa probinsya ay dulot ng malakas na buhos ng ulan dahil sa sama ng panahon sa bahagi ng Mindanao.
Sa ngayon ay nagpaalala ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Cotabato) sa mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa baha at pagguho ng lupa.