DAVAO CITY – Pahirapan ngunit matagumpay na nailigtas ang dalawang mga batang babae na naabutan ng malakas na pagbaha habang nasa kalagitnaan ng ilog sa Culaman Bridge, Brgy. Lower Felis, Malita, Davao Occidental.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang patawid sana ang dalawang batang babae sa ilog kasama ang kanilang lolo ng bigla na lamang na tumaas ang tubig baha.
Isa sa mga residente na nakilalang si Tyson Balawam residente sa nasabing lugar ang tumulong sa dalawang mga bata at matagumpay niya itong naligtas.
Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ng Malita ang mga residente na manatiling alerto dahil patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang Davao region dulot ng Inter-Tropical Convergence zone at posibleng magpapatuloy ito hanggang sa susunod na mga araw dahil sa namataan na Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.