-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nilinaw ni Police Sergeant Randy de Ocampo, imbestigador ng pulisya sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur na walang foul play sa pagkalunod-patay ng 8 at 12-anyos na magkapatid habang naliligo sa sabang ng Agusan River.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na parehong hindi marunong lumangoy ang magkaptid na Jimboy Calza, 12-anyos at ang 8-anyos na bunsong kapatid nitong si Ariel Aplaca, parehong residente ng Purok 14, Sitio Mabaw, Brgy. Dacuta, sng nasabing bayan.

Base sa kanilang imbestigasyon, kasama ng magkapatid ang kanilang ina na nag-aani ng mais at hindi namalayang naliligo na ang mga ito sa sabang na malapit lang sa kanilang bahay.

Sinita na ito ng mga nakakita sa kanila ngunit nagbalik nang wala ng tao.

Nang hindi na sila makita ng kanilang inang si Alma Calza kinahapunan ay dito na sila pinaghahanap kungsaan nakita na sa gitna ng sabang ang abandonang bangka nakataub na kung kaya’t kaagad na isingawa ang search and rescue operation.

Ngunit kahapon na ng umaga natagpuan ang bangkay ni Jimboy na nakalutang sa Agusan River sa nasabi ring bayan at sa tanghali naman ang bangkay ng bunsong si Ariel na nakalutang din sa Agusan River sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte.