BUTUAN CITY – Dalawang bayan na sa lalawigan ng Agusan del Sur ang isina-ilalim sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha na hatid ng patuloy na mga pag-ulan dahil sa shearline.
Ayon kay Alexis Cabardo, information officer ng Agusan del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ito ay ang Loreto at Veruela matapos na 15-porsiento ng kanilang populasyon ang apektado sa pagbaha at landslides.
Patuloy pa rin ang damage assessment ng mga local DRRM Councils upang malaman ang extent of damages na hatid ng mga pagbaha na halos lampas-tao na lalo na sa mga barangay na malapit lang sa Agusan River.
Sa ngayo’y wala pang abiso kung magko-convene na ang kanilang tanggapan kasama ang Sangguniang Panlalawigan upang irekomenda sa probinsyal na pamahalan na isasa-ilalim na sa state of calamity ang kanilang lalawigan.