CENTRAL MINDANAO-Upang matulungan ang mga Cotabateñong labis na naapektuhan ng nagdaang pandemya at kalamidad sa ika-tatlong distrito, nagsagawa ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) orientation at contract signing sa bayan ng Kabacan at Matalam Cotabato.
Ang aktibidad ay hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) XII na pinondohan sa pamamagitan ng opisina ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliño Santos.
Ayon sa datos mula sa opisina ng Team Serbisyo at Malasakit ni Congresswoman Santos, abot sa 519 na mga benepisyaryo ang dumalo sa nasabing aktibidad. Naging kinatawan ni Santos si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa nasabing aktibidad kasama sina 3rd District Board Members Jonathan M. Tabara, Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc, Joemar S. Cerebo, Association of Barangay Captain Provincial President Phipps T. Bilbao, Provincial Advisory Council (PAC) Member Albert Rivera, Matalam Vice Mayor Ralph Rafael at Kabacan Mayor Evangeline P. Guzman at iba pang nga lokal na opisyales.
Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong tulungan at mabigyan ng community-based work ang mga displaced workers, underemployed at iba pa.