LA UNION – Mahigpit na pinababantayan ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa pamunuan ng Police Regional Office (PRO)-1 ang mga lugar na nasa ilalim ng red category o mga lugar na posibleng pangyarihan ng election-related incidents sa panahon ng halalan.
Sa kanyang pagbisita sa La Union, kinumpirma nito na may dalawang lugar o bayan sa La Union na nasa red category ukol sa eleksiyon sa Mayo.
Ngunit siniguro ng opisyal na may ginagawang pro active measures kontra sa risk factors ang lahat ng mga unit force sa ground at nakahanda rin aniya ang police headquarters na magbigay ng tulong kung kinakailangan.
Bagama’t hindi na binanggit pa ni Albayalde ang dalawang lugar sa La Union, matatandaan na dalawang mataas na opisyal mula sa bayan ng Sudipen at Balaoan na muling tatakbo sana sa local position ang pinatay ng mga hindi pa kilalang salarin.
Samantala, ang red category para sa PNP ay tumutukoy sa isang lugar na posibleng pangyarihan ng karahasan o may mga election-related incidents at ground para isailalim sa kontrol ng Commission on Elections.
Dagdag pa nito na mas tututukan ng mga otoridad ang mga lugar na nasa red category.