-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nanguna ang bayan ng Alamada at Kabacan North Cotabato sa road clearing operation ng Memorandum Circular 2019-121 ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang Alamada at Kabacan Cotabato ay kapwa nakakuha ng High Compliance ratings.

Habang ang bayan ng Datu Montawal sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay may mataas na grado sa talaan ng DILG.

Nagpasalamat naman si Alamada Mayor Jesus “Susing” Sacdalan sa programang ginanap sa kanyang 100 days na pag-upo sa pwesto sa mga taong sumuporta sa kanya at nakiisa sa Memorandum Circular 2019-121 ng DILG kaya nagamit nila ang High Compliance rating.

Prayoridad ng alkalde sa kanyang panunungkulan ang kalusugan,infrastructure project, peace and order, tourism at mga proyekto na nakatutok sa kapakanan ng taong bayan.

Habang si Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal ay linggo-linggo silang magsasagawa ng road clearing operation para matiyak ang kalinisan sa mga kalye lalo na sa national highway na walang nakahambala.

Nilinaw ni Montawal na road clearing ang kanilang pinatutupad at hindi road widening.

Samantala sa bayan ng Kabacan nakuha rin nito ang mataas na marka sa road clearing operation na pinangunahan ni Mayor Herlo Guzman Jr