KALIBO, Aklan – Sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease (COVID)-19, dalawang baybayin sa Boracay ang napabilang muli sa “Top 25 best beaches” sa Asya.
Base sa TripAdvisor, isa sa pinakamalaking travel site, nasa ika-walong puwesto ang White Beach sa may pinakamagandang baybayin.
Habang ang Yapak Beach o kilala rin na Puka Shell Beach sa Barangay Yapak ay nasa ika-20 puwesto.
Noong nakaraang taon ay pang-siyam ang White Beach at nasa 25 naman ang ranking ng Yapak Beach.
Ang Radhanagar Beach sa Havelock Island, Andaman, at ang Nicobar Islands sa India, ang pinangalanan bilang 2020 Asia’s best beach. Sinundan ito ng Agonda Beach na matatagpuan din sa India.
Napag-alaman na noong 2019, nakuha ng Boracay ang second spot sa kabila ng anim na buwang rehabilitasyon.
Nakapasok din sa listahan ang Nacpan Beach sa El Nido, Palawan.