-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng 109th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerwali Salem Zabel at Nasrullah Abdullah Walingan, mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng BIFF Karialan faction,mga residente ng Sitio Mupak Barangay Poblacion Datu Paglas Maguindanao.

Ayon kay MILF 109th BC Admin Officer Abdurrahim Molilis na pumasok sina Zabel at Walingan sa kanilang komunidad kaya agad nila itong hinuli.

Nakuha sa dalawa ang isang kalibre.45 na pistola na may mga bala at dalawang Improvised Explosive Device o IED.

Agad namang ipinasakamay ng MILF ang mga suspek sa CIDG-BARMM.

Inamin ng dalawa na maghahatid sana sila ng pagkain sa kanilang mga kasamahan na patuloy na nagtatago dahil sa pagtugis ng mga sundalo.

Sa ngayon ay nakapiit sa costudial facility ng CIDG-BARMM ang mga suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act.# 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at R.A. 9516 o ang Illegal Possession of Explosives.