Patay ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makasagupa ang mga tropa ng 33rd Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Central (JTFC) na nagmamando ng random checkpoint sa may bahagi ng Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao.
Agad umalerto ang mga sundalo matapos mamataan ang tatlong kahina-hinalang indibidwal na nakasakay sa isang motorsiklo na armado ng matataas na kalibre ng armas.
Pinaputukan ang mga sundalo na nagresulta sa palitan ng putukan na tumagal ng 20 minuto.
Dalawang cadaver ang narekober ng mga sundalo sa encounter site, 2 M16 rifles at isang sachet ng hinihinalaang iligal na droga.
Nakilala ang dalawang napatay na BIFF fighters na sila Asraf Kalon a.k.a Tomama at Mubin Sugadol a.k.a. Laguiadin.
Pinaghahanap na rin sa ngayon ng mga sundalo ang nakatakas na isa pang kasamahan ng dalawang bandido.
Pinuri ni 6th ID at JTFC Commander Maj. Gen. Diosdado Carreon, pinuri ang pagiging alerto ng mga sundalo mula sa 33rd IB.
“Let this incident serve as a warning for the terrorist that JTFC forces remain vigilant and ready to foil the terrorist’s treacherous scheme of attack against military troops manning the checkpoints.” pahayag ni Maj. Gen. Carreon.