KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction at sangkot sa pag-atake at karahasan sa Datu Paglas, Maguindanao kamakailan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jerwali Salem Zabel at Nasrullah Abdullah Walingan na kasama ng BIFF-Karialan Faction na umatake at nagdulot ng karahasan sa Datu Paglas, Maguindanao.
Ayon kay Major Esmael Madin, CIDG-BAR’s provincial officer for Maguindanao, na-korner umano ng mga kasapi ng MILF sa Barangay Kalumengan, Datu Paglas sina Zabel at Walingan at agad na itinurn-over sa Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region.
Inamin naman ng dalawa na maghahatid sana sila ng pagkain sa kanilang mga kasamahan na patuloy na nagtatago dahil sa pagtugis ng mga sundalo.
Sa ngayon, inaalam din ang kaugnayan ng dalawa kay Ustadz Solaiman Tudon, na nanguna sa pag-atake sa Barangay Poblacion ng Datu Paglas kamakailan.