-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi habang tatlo naman ang sugatan sa panibagaong sagupaan sa pagitan ng mga local terrorists at mga sundalo sa probinsiya ng Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID, Philippine Army, nangyari ang panibagong engkwentro sa Barangay Mao, Datu Paglas, Maguindanao.

AFP soldiers Maguindanao

Kinilala ang mga nasawi na sina Mansur Amil at Salem Oting, kapwa kasapi ng Kagui Karialan, isa sa mga leader ng BIFF na nahaharap sa mahigit 30 kaso sa iba’t ibang lugar at responsable sa pambobomba sa Central Mindanao.

Maliban sa mga namatay may tatlo pang mga BIFF members ang nasugatan.

Sa ngayon umabot na sa halos 10 mga BIFF ang namatay sa nagpapatuloy na operasyon ng military laban sa mga teroristang grupo sa Mindanao.

Samantala, may mga bakwit naman na nananatili ngayon sa mga evacuation center dahil sa nagpapatuloy na sagupaan.