-- Advertisements --

COTABATO CITY – Napatay ang dalawang miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa engkwentro sa pagitan nila at ng militar sa Barangay Mao sa bayan ng Datu Paglas lalawigan ng Maguindanao.

Sa naging statement ng Wesmincom Commander na si Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. dakong alas-sais ng umaga kahapon ng nagpapatrolya ang pwersa ng Joint Task Force Central sa lugar nang makasagupa ng mga tropa ang mga terorista.

Nagpalitan ng 10 minuto na putok na ayon kay Lt. Gen. Juvymax Uy, ang commander ng JTF Central ay agad na ikinamatay ng dalawa na miyembro ng BIFF at maswerteng walang nadamay o nasawi sa grupo ng kasundaluhan ang nasabing bakbakan.

Pinaniniwalaan na ang BIFF na umatake ay kabilang sa BIFF Karialan faction na pinamumunuan ni Modhen Animbang aka Kairalan at tumalilis ang mga terorista sa iba’t ibang direksyon.

Matapos ang bakbakan, natuklasan din ang dalawang foxholes na pinaniniwalaang hinukay ng mga teroristang grupo may buwan na ang nakakaraan.

Bukod sa dalawang bangkay na narekober, samut-saring armas kabilang ang sirang handguard ng MI6 rifle at mga assorted foodstuffs ang narekober sa lugar ng bakbakan.

Mula noong Enero hanggang sa buwan ng taong kasalukuyan, 89 na BIFF members na ang na-neutralize kung saan 41 ang patay at 48 ang sumuko.

Maliban pa rito, ang JTF Central naman ay nakapaglista ng mahigit na 56 na armas na naisuko o nakuha, 52 dito ay nasa high powered category.