-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dalawang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nagbalik loob sa gobyerno sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga rebelde ay sumuko sa tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army at PNP sa Northern Kabuntalan Maguindanao.

Dala-dala ng dalawang BIFF sa kanilang pagsuko ang kanilang mga armas,mga bala at pampasabog.

Tumanggap naman ng cash assistance ang mga rebelde mula kay Northern Kabuntalan Mayor Datu Ramil Dilangalen at Vice-Mayor Mary Jane Bayam.

Nagpasalamat ang 34th IB at PNP sa tulong ni Mayor Dilangalen sa pagsuko ng dalawang BIFF na nais nang magbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal na pamilya.

Hinikayat naman ni 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong ang ibang BIFF at mga NPA na sumuko na dahil tutulungan sila ng pamahalaan.