CENTRAL MINDANAO- Sumuko sa tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Balong Northern Kabuntalan Maguindanao.
Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Rasul Dubpaleg sa ilalim ng grupo ni Kumander Ustadz Karialan ng BIFF Karialan faction.
Dala ng dalawang BIFF sa kanilang pagsuko ang isang .50 caliber barret sniper rifle,isang caliber.30 M1 Garand Rifle,isang anti-personnel mine (APM) na gawa sa 105mm high explosive cartridge,cellphone detonator at mga bala.
Pormal namang tinangggap ang mga rebelde nina Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra”Ramil”Dilangalen at 34th IB Commander Lieutenant Colonel Gleen Caballero.
Hinimok naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang ibang BIFF , mga Armed Lawless Group na sumuko na at magbagong buhay.