-- Advertisements --

ILOILO CITY – Arestado ang dalawang bigtime scammers sa na namemeke ng drivers license sa Iloilo.

Ang mga arestado ay sina Jessie Panique Alipala ng Cabolo-an Sur, Oton, Iloilo at Endralyn Paligumba Cuerbo ng Calumpang, Molo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Gaudioso Geduspan, Asst. Regional Director ng Land Transportation Office Region 6, sinabi nito na ang mga arestado ay nahuli sa entrapment operation sa Mandurriao, Iloilo City.

Ayon kay Geduspan ang nasabing mga scammers ay naghihingi ng P6,500 sa kanilang mga customers kapalit nga agarang drivers license.

Nahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9485 o Anti-Red Tape Act of 2007.