-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagkakahalaga ng P6.8 milyon na shabu ang nakuha sa inilunsad na anti-drug operation ng mga otoridad sa Lanao Sur.

Nakilala ang mga suspek na sina Darangi Ombo Angatong alyas Salaudin at Lendi Mangondacan na myembro ng isang malaking drug group sa probinsya ng Lanao Del Sur.

Ayon kay PNP-BARMM Regional Director Bregadier General Marni Marcos Jr na nagsagawa ang pinagsanib na pwersa ng PDEA-BARMM, Lanao del Sur PPO, CIDG-BARMM at 34th Infantry Battalion Philippine Army ng buybust operation sa Purok 7 Kapigis Brgy Eastern Wao Lanao Del Sur.

Natunugan ng mga suspek na mga asset ng PDEA-BARMM ang kanilang ka-transaksyon kaya nanlaban ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan sina Angatong at Mangondacan kaya dinala sila sa Wao District Hospital.

Narekober sa mga suspek ang mga baril,6.8 milyong pesong shabu,mga bala at drug paraphernalia.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.