-- Advertisements --

Nailigtas ng Israel Defense Forces ang dalawang Israeli-Argentinian na lalaki mula sa kamay ng mga Hamas militants.

Sina Fernando Simon Marman, 60-anyos at Louis Har, 70-anyos ay nasa mabuting kalagayan ng mailabas ng mga sundalo ng Israel mula sa gusali na kanilang nilusob sa Rafah City.

Sinabi ni Israel Defense Forces spokesman Daniel Hagari na isinagawa ang rescue operation matapos na makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan ng dalawang bihag.

Nagkaroon pa ng palitan ng putok mula sa mga sundalo ng Israel at mga Hamas habang inililigtas ang dalawa.

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang dalawang bihag.