-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagpapagamot pa ang dalawang indibidwal mula sa 14 na sugatan sa pagkahulog at pagbaliktad ng sinasakyan nilang six-wheeler dump truck sa Sitio Binongsay, Malin-awa, Tabuk City, Kalinga.

Una nang nagtamo ang 12 mga pasahero ng minor injury habang ang driver ay nasa magandang kondisyon na.

Ayon sa imbestigasyon hindi umano kinaya ng driver na mag-shift gear at umatras ang sasakyan hanggang sa nahulog ito sa tinatayang limang metrong lalim na bangin na nagresulta sa pagkamatay nga walong katao.

Hinihintay pa nila kung magsasampa ng kaso ang mga biktima sa nasabing driver