-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang dalawang suspected bomb courier sa barilan ng mga pulis sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga nasawi na sina Guimaludin Kasan, 32-anyos,may asawa at alyas Bronx, mga residente ng Barangay Macasampin Guindulungan Maguindanao.

Ayon kay Esperanza Chief of Police Captain Jethro Dave Doligas,sakay ang mga suspek sa isang multicab ngunit nang dumaan ito sa Comelec checkpoint sa Purok Paglaum Barangay Poblacion Esperanza Sultan Kudarat ay hindi ito huminto.

Hinabol ang dalawa ng mga pulis at inabutan sa bahagi ng Purok Maligaya Barangay Sagasa Esperanza Sultan Kudarat nang bumangga ang kanilang sinakyan na multicab.

Imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang mga suspek sa mga pulis kaya malubha itong nasugatan.

Naisugod pa sina Kasan at Bronx sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa posisyon ng mga nasawi ang 40 padkete ng shabu, mga assorted IDs, caliber 22 , cal. 20 pistol at isang improvised explosive device (IED).

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na may planong maglunsad ng pambobomba ang mga suspek dahil sa bitbit na IED.