-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS Inspired Group) ang magkasunod na pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na sumabog ang dalawang Improvised Explosive Device (IED) sa gilid ng national highway sa Sitio Pansol Barangay Macasampen Guindulungan Maguindanao.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Posibling target ng mga rebelde ang isang sasakyan ng 549 Army Engineering Brigade na dumaan sa Cotabato Isulan highway.

Nagdulot rin ito ng pagka-antala ng daloy ng trapiko ng ilang oras matapos magsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army,2nd Mechanized Battalion at Guindulungan PNP.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao laban sa BIFF.