TACLOBAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang Indian national at dalawang Pinoy matapos makuhaan ng agar wood sa isinagawang checkpoint ng kapulisan sa Barangay San Juan, Sta. Rita, Samar.
Kinilala ang mga nadakip na sina Mohamed Sharikul Hoque at Mohamed Khaliqur Rohman, at ang dalawang Pinoy na sina Lucio Abordoay at Decina Noel Dela Fuente.
Ayon kay P/Capt. Adrian Lozano, acting company commander ng 805th Provincial Mobile Force Company, sakay ng van ang mga suspek papuntang Tacloban nang maharang ang mga ito sa checkpoint.
Narekober sa mga ito ang 2.5 kilo ng agar wood o kilala sa tawag na Lapnisan na nagkakahalaga ng P40,000 per kilo o P100, 00 na kabuuang halaga.
Napag-alaman din ng mga otoridad na ang naturang endangered species ng kahoy ay ini-export sa China at ginagamit ito sa paggawa ng figurine, gamot, ingredients ng pabangon at insenso.
Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng mga pulis ang apat na suspek para sa karampatang disposisyon ng mga ito.