-- Advertisements --

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan at nationality ng isang Jan Erick Lavarias Altavas, na itinuturong may-ari ng Philippine Offshore Gaming hub na ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong umaga.

Personal na kinandado nina BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa at Department of Finance Asec. Tony Lambino ang opisina ng Altech Innovations Business Outsourcing sa gusali ng Double Dragon sa Pasay City.

Hindi raw kasi ito nagpa-rehistro bilang VAT taxpayer, na nagresulta sa hindi pagbabayad ng nasa P100-milyong halaga ng buwis.

Ayon kay Guballa, tinatayang nasa 1,000 ang empleyado ng kompanya na may hiwalay pang branch sa Paranaque City. Karamihan daw sa mga ito ay Chinese nationals.

“Dapat pantay pantay, Filipino or foreigner, they should be paying their taxes here in the Philippines kasi we need these revenues for nation building, especially sa Build, Build, Build project of the administration,” ani Guballa.

Kung maalala, isang ooffshore gaming company rin na may operasyon sa Subic, Zambales at Metro Manila ang ipinasara ng BIR kamakailan bilang parte ng crackdown nito sa mga illegal POGO hubs.

Nagpaalala naman si Asec. Lambino hinggil sa responsibilidad ng dayuhang nagta-trabaho rito sa Pilipinas.