Kinomisyon ng Philippine Navy ang dalawang brand new missile capable Shaldag Mk V fast attack interdiction vessels kasabay ng christening ceremony sa Naval Station Jose Andrada sa Roxas Boulevard sa Manila.
Ayon kay Navy chief Vice Admiral Adeluis Bordado, ang bagong assets ay binili mula sa Israel Shipyards Ltd.
Ito ay unang tranche pa lamang kung saan nasa pito pa ang inaasahang darating sa bansa na Shaldag Mk V high speed vessels na nakuha sa pamamagitan ng Revised AFP Modernization program.
Ayon pa kay Admiral Bordado, ang new fast track craft interdiction missile ay dinisenyo para palakasin ang capability ng Philippine Navy sa pagtugon sa mga banta at pagprotekta ng maritime interest ng ating bansa.
Sa naging talumpati naman ni Armed Forces chief Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro nagsilbing keynote speaker ng naturang event, sinabi nito na makakatulong ang bagong assets para sa pagtiyak ng seguridad sa borders laban sa foreign intrusions.
Inihayag din ni Bacarro na magbibigay sila ng naval warfare support para sa ground troops sa pagsasagawa ng joint operations.