ILOILO CITY – Hinuli ng mga pulis ang dalawang Punong Barangay at ang siyam na sibilyan dahil umano sa pag-inom ng alak at paglabag sa physical distancing sa loob ng Iloilo Terminal Market sa lungsod ng Iloilo.
Kabilang sa mga hinuli ay sina Punong Barangay Alain Rey Depatillo ng Rizal Pala Pala 1, Iloilo City; Punong Barangay Woody Dela Riarte ng Kauswagan, Iloilo City; Noel Capalla, dating Punong Barangay ng Cochero, Molo, Iloilo City; Jose Alexis Rojo; Rigor Porras; Roel Villarimo; Melchor Manuel Blancaflor; Maria Paz Domingo na may-ari ng kapihan; Rick Seguiter Jr.; Marki Bergantinos at Martie Matias.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Francisco Paguia Jr., hepe ng Police Station 1, sinabi nito na mayroong concerned cetizen na nagpaabot ng impormasyon na mayroong umiinom ng alak sa loob ng nasabing public market.
Inihayag ni Paguia na dahil walang tumayong witness at wala ring matibay na ebidensya, kaagad na pinalaya ang mga arestado ngunit todo-tanggi naman ang mga nahuli kung saan ayon kay Punong Barangay Woody Dela Riarte, kape at hindi alak ang kanyang ininom at posibleng nadawit lamang siya sa isyu.