-- Advertisements --

Idineklara na ang dengue outbreak sa dalawang barangay sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa City Health Office, 65 kaso ng dengue ang naitala sa unang anim na buwan sa Barangay Buenavista ngayong taon.

Habang noong 2018 ay walang dengue case sa nasabing barangay.

Sa Barangay Cabayugan naman, 16 dengue cases ang naitala sa unang anim na buwan din ngayong 2019.

Habang isang kaso ng dengue lamang ang naitala noong nakaraang taon.

Nabatid na mahigit 300 dengue case na ang natuklasan sa iba’t ibang lugar sa bansa mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.