-- Advertisements --
Oman strait
Homuz Strait

Kinumpiska ng Iranian Revolutionary Guard ang isang British-flagged oil tanker habang nasa Strait of Hormuz.

Ayon sa may-ari ng tanker na Stena Impero, patungong Saudi Arabia ang nasabing tanker na may lulan ng 23 personnel.

Pagdating sa lugar ay nilapitan na sila ng isang maliit na bangka at helicopter.

Ito na ang pangalawang oil tanker na kinumpiska ng Iran kung saan ang una na Liberian-flagged ship na MESDAR ay kanila ng pinayagang makapaglayag.

Paliwanag ng Iran na lumabag ang nasabing mga barko sa kanilang International waters.