-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Doctor Josephine Ruedas, Provincial Health Officer sa Ilocos Norte, na umaabot na sa mahigit 500 ang kaso ng dengue sa lalawigan simula noong Enero hanggang sa Hunyo 29 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Ruedas na mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 297 na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Dahil dito, nanawagan si Ruedas na maging responsable ang lahat lalong-lalo na sa paglilinis sa loob at labas ng bahay.

Samantala, kinumpirma ni Doctor Jose Orosa III, Officer-in-Charge sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa lungsod ng Batac na sa ngayon ay umaabot na sa 60 ang naka-confine na dengue patients sa nasabing hospital.

Aniya, 47 sa mga ito ay mga bata at dalawa ang buntis.