-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nahuli ng mga otoridad ang dalawang buntis sa pagtutulak ng pinagbabawal na droga sa Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina Elena Minala Daud at Sarah Badawi Parok.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR), naglunsad sila ng drug buy bust operation katuwang ang mga tauhan ng PS1 – CCPO, HPU at CPDEU-CCPO sa harap ng isang kilalang fastfood chain sa Quezon Avenue, Cotabato City.

Nang iabot na ng dalawang buntis ang droga sa PDEA agent ay doon na sila dinakma ng mga otoridad.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang 500 grams na shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million at P1,000 at mga budol money.

Sinabi ni RD Azurin ilang buwan ding minamanmanan ang mga suspek dahil sangkot sila sa kalakaran ng iligal na droga.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BAR at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.