-- Advertisements --

Nagbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa bahagi ng Guadalupe EDSA bus carousel gabi ng Lunes, Marso 10.

Batay sa naging imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Makati City Police at ng Philippine Red Cross (PRC), na siyang mga naunang rumisponde sa insidente, nangyari ang aksidente bandang 9:30pm ng gabi malapit sa bopundary ng Boni, Mandaluyong City at ng Guadalupe sa Mkati.

Ayon sa isa sa mga konduktor ng bus, huminto ang unang bus para makapagbigay ng daan sa isang motorsiklong dadaan aniya sa center island sa ilalim ng MRT-3 nang sumlapok sa likod nito ang pangalawang bus na kasunod nito.

Batay naman sa mga naging pahayag ng bus driver na siyang sumlapok sa likuran ng naunang pampasaherong bus, hindi umano nagana ang break ng kaniyang minamanehong bus dahilan para tumama ito sa naunang bus.

Samantala, nagiwan naman ng 31 sugatan na indibidwal ang insidente na agad naman nabigyan at nakatanggap ng mga paunang lunas.

Walong pasahero ang sungatan sa naunang bus, habang 23 naman ang sugatan sa pangalawang bus.

Nagdulot naman ng matinding trapiko ang insidente sa lugar dahilan para magbukas ng mga alternatibong ruta ang MMDA.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam naman ng mga otoridad ang naging sanhi ng salpukan.