-- Advertisements --

CEBU CITY — Sugatan ang 26 ka tao matapos magsalpukan ang dalawang bus sa may Sitio Sandayong Brgy. Liki bayan ng Sogod, probinsya ng Cebu.

Ayon kay P/Staff Sergeant Reymond Bacordo ng Sogod PNP na nag-overtake ang isang minibus sa isang autobus ngunit nawalan ito ng kontrol at para hindi mahulog sa bangin ang minibus, umiwas ito at bumangga sa autobus.

Dahil sa lakas ng impact, natumba ang autobus at sugatan ang 26 na pasahero nito.

Wala namang na-iulat na kritikal sa nangyaring insidente.

Samantala, nakakustodiya na ngayon ang driver ng minibus sa Sogod Police station habang hinihintay ang desisyon ng mga biktima kung magsasampa ba ang mga ito ng kaso.

Nagkasundo naman ang dalawang driver ng bus sa gastos at pagpapaayos ng nasirang autobus.