BUTUAN CITY – Dalawang mga Butuanon swimmers ang inaasahang magku-qualify sa Southeast Asian o SEA Games sakaling magtagumpay sila sa sinasalihan nilang 53rd Singapore National Age Group o SNAG Swimming Championships 2023 na isinagawa sa Singapore.
Ito’y kinabibilangan nina Lebron James Dabalos mula sa Agusan National High School at Angelo Carmona ng Timber City Academy.
Sa ekskluksibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni swimming coach Renner Arias Buquia, na sa dalawang qualifying time na kanilang tina-target, nakuha na nila ang isa na syang dahilan na hindi na sila pinagbayad ng 30-dolyares na penalty.
Habang sa qualifying time naman para sa SEA Games, malayo-layo pa ang kanilang lalanguyin dahil hanggang sa Marso a-19 pa tatagal ang nasabing kompetisyon.