Aprubado na ng National Housing Authority (NHA) ang dalawang buwan na grace period para sa amortization o lease payments para sa lahat ng proyekto, kasama na ang residential, pati na rin ang commercial, industrial, and institutional (CII) accounts.
Ang saklaw ng moratorium na ito ay ang mga payments mula Nobyembre 1 hanggang December 31, 2020, at ipagpapatuloy ulit sa Enero 1, 2020 alinsunod na rin sa itinatakda ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Kabilang sa mga sakop ng grace period na ito ay ang mga individual accounts o community associations; estate at non-estate based CII accounts sa iba’t ibang rehiyon na may updated accounts hanggang sa katapusan ng Oktubre; at active accounts na may arrears ng hanggang tatlong buwan.
Ang NHA ay inaatasan na bumalangkas at magpatupad ng isang komprehensibo at integrated program para sa housing development at resettlement, sources at schemes ng financing, at delineation ng government at private sector participation.