Kinumpirma ng tagapagsalita ni Presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakipag-usap daw ang dating senador kay dating Labor secretary Benny Laguesma at Susan “Toots” Ople na maging bahagi ng gabinete ng susunod na administrasyon.
Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, bago raw umalis sa bansa patungong Australia ay kinausap na ni Marcos si Laguesmaat Ople.
Ayon kay Rodriguez, nais daw ng presumptive president na pamunuan ni Laguesma ang DOLE habang nais naman ni Marcos na pamunuan ni Ople ang Department of Migrant Workers.
Ang dalawa raw ay parehong respetado sa larangan ng labor and employment na kaniyang kinausap at tinanong kung nais maglingkod sa gobyerno at sa ilalim ng pamahalaang Marcos,.
Pero kailangan pa raw komonsulta ni Laguesma at Ople sa kanilang pamilya, kaibigan at iba pang indibidwal bago sila magdesisyon.
Una rito, inanunsiyo ng kampo ni Marcos na si presumptive vice president Sara Duterte ang itatalagang pamumuno sa Department of Education (DepEd) habang si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ay tinanggap na rin ang alok na maging Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary.