-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatlo katao ang nasawi at isa ang nasugatan sa pananambang sa probinsya ng Lanao del Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina Hanafi Barager at Venhar Macapodi, mga Cafgu na kapwa nakatira sa Barangay Tubok, Malabang, Lanao Del Sur.

Patay rin ang driver ng motorsiklo na si Mando Interino at residente ng Barangay Poblacion, Balabagan LDS.

Habang sugatan naman si Mastor Gani, residente ng Brgy Barurao, Balabagan.

Ayon sa ulat ng Balabagan PNP, sakay ang mga biktima ng motorsiklo mula sa bayan ng Balabagan patungong Malabang.

Ngunit pagsapit nila sa Barangay Molimok, Balabagan, Lanao del Sur ay tinambangan ito ng grupo ni alyas Jamil gamit ang M14 at M16 armalite rifles.

Patay on the spot ang tatlo sa mga biktima habang naisugod sa pagamutan si Mastor Gani.

Ang grupo umano ni Jamil ay miyembro ng isang armed lawless group sa LDS.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga sundalo at pulis ang mga suspek.