-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isa sa dalawang call center agents na binaril ng riding-in-tandem habang umiihi ang mga ito sa pader sa Brgy. Taft North, Mandurriao, Iloilo City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Christopher Jinon, 32, ng Brgy. Bularan, Banate, Iloilo; samantala idineklara namang dead on arrival si Mark Secreto Muller, 38, ng 17-A Quartero St., Jaro, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay P/Maj. Marlon Valencia, hepe ng Mandurriao Police Station, sinabi nito na multiple gunshot wounds ang natamo ni Muller dahilan ng kanyang pagkamatay at sugat sa binti naman ang natamo ng kasama nito na si Jinon.

Ayon kay Valencia, hindi pa tukoy ang motibo sa krimen.

Narekober naman ang mga bala ng caliber 9MM.

Samantala, sinabi naman ni Barangay Kagawad Julio Roldan na isang drug surrenderee si Muller noong 2017.

Aniya, hindi na niya masyado nakikita ang biktima sa kanilang barangay dahil abala ito sa pagtatrabaho bilang call center agent.

Naniniwala ang barangay kagawad na nagbagong buhay na si Muller.